Bumabalik Poem by Xenna Mae Gomez

Bumabalik

Rating: 5.0

Dati rati ay hindi pa magkakilala
Hanggang sa dumating ang mga sandaling ikaw ay makilala.
Gabi-gabi ikaway lagi ng katext,
At gusto ko, ikaw na maging next.

Tayo'y nagkadevelopan
At ayaw ko ng ikaw ay lumisan.
Kahit ako'y may ibang ka-ILOVEYOUhan,
Pero para sayo ito'y ok lang.


Hanggang ang feelings ko para sayo'y tumagal,
At sinabi sayong ikaw na ang mahal.
Tila'y ramdam mo yung walang hanggang tuwa,
Dahil nakamtan na ang pinakahihintay'ng saya.

Ngunit, ilang buwan ang lumipas, ikaw ay nawala,
At ako'y naging tulala.
Iniisip kung saan ka na mahal,
Sapagkat, ang makita kang muli ay ang tangi kong dasal.

Hanggang naisipan kong i-search ka sa FACEBOOK,
At nakita ko yug number mong isinulat sa drawing book.
Ikaw ay agad-agad na itenext,
Kung sakaling ikaw ay magrereply sa aking text.

Itinanong ung bakit ka lumisan,
Para malinawan ang sakit na nararamdaman.
Nawala na ang lungkot
Dahil nalaman na ang sagot.

Relasyon ay ibinalik,
Tila'y gusto kitang ihalik.
Sapagkat, pag-ibig nati'y bumabalik.

Ngunit, malayo sa isa't isa,
Kaya hindi ko magawa.
Dahil wala sa piling ko, ako ngayo'y nagpursigi,
Para makamit ang minimithi.

Sana, sa pagbabalik ko mahal,
Ako parin ang tangi mong minamahal.

Tuesday, June 20, 2017
Topic(s) of this poem: love
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
New Start of Relationship
COMMENTS OF THE POEM
Jazib Kamalvi 03 October 2019

Write comment. Seems a good start with a love poem, Xenna. Read my poem, Love and Iust. Thanks

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success