Tawag Ng Pag-Ibig Poem by Didith Marcelo

Tawag Ng Pag-Ibig

Tawag ng pagibig
Ang s'yang bulong ng hangin,
Ngunit ang aking isip pilit umiiwas.

Ako'y isang dalaga
Na dating umibig
Ngunit ako'y nabigo
Sa pagkakataong iyon.

Bulong ng hangin
Ako ay hinahabol!
Ngunit ang aking mga paa
Takbo palayo.

Twing aapak ako
Sa landas na aking gusto,
Ang Oras ay maingay
Sa kada segundo.
Na pilit naman sa akin pinapaalala
Ang tawag ng pag-ibig.

Araw man o gabi
'Di ko maiiwasan
Harana ng mga nagma-mahal,
Sa akin ay nakapaligid.

Bulong ng hangin,
Tawag ng pag-ibig.

Ayan na, ayan na sya!
Ako ay bibihagin na.
'Sino sya? '
Tanong ng aking puso.

Habang papalapit
Ang aking naka-tadhana
Bulong ng hangin,
Tawag ng pag-ibig.

Ako'y nabihag rin.

'Sa wakas! ' ang sigaw ng pag-ibig.

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
A Filipino poem for all the beautiful Filipina.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success