Bihag Poem by Lotlot Diaz

Bihag

Ninais kong sa iyo ay lumayo,
Maraming beses
At kung ilan ay di ko matanto.
Pinangarap kong bigla nalang maglaho
At mapunta sa ibang panahon
Kung saan
Ay di mo kayang maabot.
O kahit pa sa kawalan
Marahil doon ay di kita magigisnan.
Kung ikaw ay nagtataka
Sa bawat kong bigkasin at saliita
Huwag...
Hindi na kailangan
Sapagkat hindi naman lihim
Ang katotohanang
Akoy isa mo lamang alipin
Na iyong binihag ng lihim.
Ang pahayag mo sakin ay pag ibig
Ngunit bakit aking mga matay
Lumuluha ng labis,
At sa aking labi ay dugo
Ang namalisbis...
Bakit walang katapusan
Ang tila kay lupit mong mga parusa.
Na sa isip koy
Hindi tumahan o di kaya ay sumaglit manlang.
Bagkus ay kapara ng isang ligaw na kaluluwa
Na sa akin ay tumagos at agad ay naglaho din
Ng lubos.
Minsan man ay nagpanggap akong si bathala
Upang kitilin yaring buhay na sarili,
Hindi parin sapat upang paunlakan nya ang aking
Kamatayan na bigyang katuparan.
Sa halip akoy nanatiling sa iyo,
Habang buhay na iyong bihag.

Friday, June 24, 2016
Topic(s) of this poem: sadness
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Tagalog sad poem
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success